Mode of Transportation in Jolo Town, Sulu Archipelago
“War obviously coined to disturb peace, The Island of pearls is now battlefield”
Yaz
NGAYON NG KAHAPON
Nelson Singson Dino
Ang mga panahon dumaan
Sa islang silangan
Patungo sa kaunlaran
Mamamayan
Wala na sa kahirapan
Buhay ang kultura
Ang tradisyon yumaman na
Ang lahat naging masaya
Nagkakaisa para sa isa
Ang mga panahon lumipas
Sa mataas na antas
Ng isang magandang pangarap
Paghihirap ay wakas
Hindi na makikita pa bukas
Ang mga panahon na dahas
Naging maaliwalas
Sa pagsilang
Ng makinang na liwanag
Bilang lunas
Sa kahirapang dinanas
Ang isang butas
Na tsinelas
Naging botas na balat
Na hindi kumukupas
Sa araw ng pagagnas
Tulad ng mabubuting
Kultura’t tradisyon
Hindi nawawala sa panahon
Kahit ito ay luma
At patay na ang matatanda
Nasasalin parin sa mga bata
Na may isip at diwa
Super Ferry bound for Zamboanga City from Davao City, 2006